ARWIN REVIEWS
Fountain of Youth poster

Fountain of Youth 2025

★★★½
Reviewed by Arwin Edward Bagaslao · 2025-10-18
Yung opening sequence, parang heist movie. May extraction style setup tapos biglang Bourne Legacy ang dating ng car at motorcycle chase. Ang bilis ng simula, akala mo magiging full action ride all throughout. Isa sa mga natutunan ko dito ay yung tinatawag nilang Arrival fallacy. It’s the belief na kapag nakuha mo na yung goal mo, magiging masaya ka na forever, pero sa totoo lang, hindi ganon. Happiness fades, and we start chasing something else again. Maganda kung paano ginamit yung concept na ito sa context ng paghahanap nila ng fountain of youth. Literal at emotional na parallel. Tonally, medyo halo halo siya. May mystery at adventure vibe tapos may konting government espionage style tulad ng National Treasure. May humor din na parang Johnny English kaya minsan hindi mo alam kung seryosong adventure ba ito o may pagka goofy talaga. Pero may charm pa rin lalo na kay Eiza González, sobrang charismatic niya kahit may antagonist vibe pero turned out to be a good person naman pala with a mission to protect a greater cause lang. Si Natalie Portman solid as usual, si Domhnall Gleeson naman sobrang suspicious ng aura all throughout parang may tinatago talaga. May mga shots dito na parang Star Trek ni J.J. Abrams. Yung floating gimbal camera work na medyo futuristic at cinematic, kaya kahit simpleng scene nagmumukhang epic. Hindi siya slow burn pero to be honest, medyo boring din ang pacing sa ilang parts. Maraming nangyayari pero minsan parang walang momentum. Pero kapag may action, action talaga. May mga camera work na kakaiba, parang gusto nilang gawing dynamic bawat galaw. Ang pinaka nagstandout para sa akin ay yung unique use of music bilang clue. Usually kasi sa mga ganitong treasure hunt films, ang ginagamit pang decode ay math, constellations, o symbols. Pero dito, ginamit yung musical knowledge ng anak ni Natalie para mahanap yung secret location. Parang bago itong concept sa genre na ito. Ang galing ng integration kasi naging part ng narrative mismo yung melody. Akala ko side character lang yung anak niya to give an emotional anchor kay Natalie pero little did I know magiging crucial ang role nung bata. Production design wise, maganda yung sunken ship scene. Feeling ko doon talaga shinoot sa studio tank para maging believable ang illusion na nasa ilalim sila ng tubig. Ang lighting, ang kulay, at lalo na yung musical score doon nag complement lahat. In the end, Fountain of Youth is not perfect. Medyo magulo pacing pero may mga bago siyang binigay sa genre. Hindi lang basta adventure film, may commentary rin siya sa pursuit of eternal happiness at kung paano minsan, ang paghahanap mismo ng fountain ang tunay na journey. Available in Apple TV+