Exit 8 2025
Sa storytelling, ramdam ko yung pagkaloop style niya, parang Edge of Tomorrow, Groundhog Day, pati Source Code at kahit If I Stay. Every ulit may tension at clue, tapos sa dulo nagulat ako kasi surprisingly emotional at satisfying yung ending.
Sa character, nakarelate ako lalo na dun sa “walking man.” Naalala ko sarili ko dati na parang paulit ulit lang nangyayari sa buhay. Kaya mas ramdam yung struggle niya at mas naging personal yung takot.
Cinematography solid din. Sinubukan nilang magmukhang continuous shot, halos kasing style ng Birdman at 1917. Dahil iisang corridor lang ang setting, bawat galaw ramdam mo at nakakulong yung feeling, parang claustrophobic.
Sound and music complimented the storytelling, lalo na yung repetition ng mga tunog habang umuulit. Mostly silence din kaya bawat yabag, flicker, at echo ramdam hanggang ending.
Sa pacing, syempre dahil loop movie siya, investigative ang dating. Bawat loop, may dagdag na detail at hindi naman dragging, parang detective ka rin na nakikisilip sa bawat clue.
Originality niya mas psychological ang peg kaysa sa jump scare lang. Focus siya sa paranoia at perception, kaya iba ang atake niya compared sa typical horror flicks.
For rewatch, oo, pwede ulitin para mahanap yung mga hidden clues at foreshadowing. Pero hindi siya yung tipong urgent na kailangan balikan agad, more on pang second look lang pag ready ka ulit.
At yung atmosphere ng sinehan, grabe. Sobrang tahimik na parang A Quiet Place, ramdam yung collective gasp ng mga tao, halos same level nung Thanos & Tony scene noong nasaksak sya sa Infinity War. Ganito rin katahimik nung Conjuring 1 "hide and clap" scene.
Immersion wise, umabot ako sa point na binubulungan ko na yung main character kung anong dapat niyang gawin. Para talaga siyang laro, which makes sense kasi galing siya sa indie horror game.
At siguro bagay din itong movie sa mga lalakeng undecided kung magkakaanak ba sila o hindi, kasi may undertone siya ng cycle, responsibility, at breaking out of endless loops parang reflection sa buhay choices na paulit ulit hanggang may harapin mo nang tuluyan at may magbago.