The Departed 2006
At first, akala ko coming of age movie siya. Medyo slow start, pero nung “broken arms” scene, doon na nagsimula ang tensyon. Grabe yung spike ng intensity from that point.
Maganda yung concept ng double agent at twist na ang trabaho lang pala ni Leonardo DiCaprio bilang undercover agent ay hulihin yung rat from the inside, habang si Jack Nicholson naman ay informant ng FBI. Parang tug of war game ng loyalty at survival.
Nakakatakot si Jack Nicholson dito. May kakaibang presence siya na unpredictable, grabe talaga yung acting nya parang lumalabas yung pagka Joker nya.
Yung chase after the cinema scene, visual and emotional thrill talaga. Ganda ng cinematography, especially yung dual point of focus shots. May mga eksenang halatang mix ng old school at modern filmmaking, may raw grit pero stylish.
Si Leo dito, may vibe na parang Shutter Island laging on edge, paranoid, emotionally unstable, pero believable. Can’t blame him. Pinasok nya yung mundong hindi naman talaga sya belong. Kailangan lang talaga nyang magkunwari to gather evidence.
At yung ending sobrang unexpected. Walang warning, bigla ka na lang titigil, tulala, trying to process what just happened.
Available on Apple TV+