Quezon 2025
To be honest, di talaga ako fan ng history pag binabasa o pinapanood sa documentary form. Pero pag nasa movie form, ibang usapan. Kaya disclaimer lang: di ako expert sa historical accuracy nor am I an expert with politics. What I’m sharing here is purely based on what I observed and felt while watching.
Parang House of Cards pero dark comedy sa simula. Parang political satire na gawa ng A24, except this is actual history. May mga scenes na Charlie Chaplin style, quiet film with old school frame rate and aspect ratio. Parang film within a film, portraying what is real and what is made up.
Ang galing ni Jericho, nakakainis in a good way. Si Mon at Romnick, solid din sa delivery at intensity. Makikita mo na kahit may pagka comedy ito sa simula, bawat chapter unti unting lumalalim, nagiging dark reality habang tumatagal pag nag fflesh out na yung characters at motives ng bawat isa.
Ang ganda ng accent work, consistent and believable. Pala mura si Quezon pero walang diin katulad ni Heneral Luna, more on tantrums kaysa commanding tone. May mga malalalim pa rin na salita pero feel ko mas natural na ngayon dahil may mga taglish na.
Nakakatuwang mapansin kung paano ginamit ni Quezon ang words bilang sandata parang “How to Win Friends and Influence People” in motion. Words became weapons, sugar coated persuasion tools used to bend loyalty and perception!
Consistent with era and context ang wardrobe, makes me feel I want to dress up like them.
Maganda yung set extension, believable kahit halata na tight ang space at limited ang location. VFX & CGI integration seamlessly blend with practicals. Ang ganda ng color grading, cool tones gaya ng Goyo, mas modern at mas malinaw sa mata.
Musical score? I think di ko masyado napansin kasi nandun siya sa subconscious. Hindi meant to stand out para hindi maagaw ang atensyon mula sa story mismo, which is actually a good choice.
Scene flow maganda rin, parang mga film na ipinapakita muna ang semi ending, tapos may flashback pero hindi mo ramdam na flashback dahil natural ang storytelling. Alam mo na lang na bumalik sa past dahil sa character development at pagpapabata ng mga artista. Pag tapos na yung flashback, smooth ang balik sa present at tuloy tuloy na hanggang sa totoong ending. Hindi linear ang storytelling ng history para hindi maging boring, at para rin may emotional context at motivation ang bawat desisyon ng mga tauhan.
Tinutukan din ng pelikula yung relasyon ng media at politika, kung paano nabubuo ang image ng mga kandidato at kung gaano kadaling baliktarin ang perception. Truth versus perception talaga. Maraming nauuto sa false promises, at habang nanonood ako, parang sinampal ako ng katotohanan na hindi pa rin tayo natututo. Paulit ulit lang nangyayari ang past. At malinaw din sa film ang papel ng advertising at media machinery kung paanong image, at propaganda visuals ang bumubuo ng mga “ideal leader” na HULI ANG KILITI ng publiko. Ipinakita rin kung paano gumagana ang political machinery. Mula sa mga tagapagsalita hanggang sa mga nakikihalong businessmen, lahat ay parte ng malawak na sistema ng influence at utang na loob.
Pinakita rin ng film kung gaano kadumi at katoxic ang political landscape noon: kung paanong ang mga campaign ay nauuwi sa pagbusisi ng nakaraan at siraan ng kalaban, imbes na sa maayos na pagpapakita ng mga plataporma o konkretong nagawa. Parang reflection pa rin ng politika ngayon, where reputation games win over real public service.
“Too many politicians but no servant leaders.” Isa yan sa mga tumatak na linya sa akin. Emotional connection wise, this one feels different from the first two patriotic films. Hindi ako tinawag para maging loyal sa bansa, kundi para pag isipan. It feels like a character study of key figures in history, leaving us to question if they were truly heroes or villains. Kung yung mga pundasyon ba ng independencia ay talagang matibay or kung ito ba ay para sa pagmamahal sa bayan o pagmamahal sa sarili.
May line si Joross sa film na tumama sa kasalukuyan. “Sure win basta gusto ng marami,” isang commentary na kahit noon pa, popularity at crowd approval na ang madalas nagdidikta, hindi integridad o kakayahan.
Bigla kong narealize while writing this na baka sinadya talaga ng director na gawing dark comedy ang first act. Kasi sa simula pa lang pala (as the film suggested), may utang na loob na si Quezon sa mga Amerikano at baka nga pinagtatawanan lang nila tayo behind our backs. Kaya nung lumipat na ang kuwento mula Quezon vs. Wood papunta sa Pinoy vs. Pinoy, doon na siya tuluyang naging seryoso. At kung tutuusin, mas dark pa yon kasi sa kagustuhan nyang makamit ang kalayaan, kailangan nyang siraan, yurakan, at iisolate ang kapwa nya Pilipino na nagtatamasa rin ng kalayaan.
Isa pa sa napansin ko, parang pinapakita rin ng film kung paano tinitingnan ng ilang politiko ang Pilipinas. Hindi bilang tahanan, kundi bilang commodity. Isang bagay na puwedeng ariin, ibenta, o ipagpalit kapalit ng pansariling pakinabang either wealth, fame, or power. Masakit isipin, pero ito rin marahil ang isa sa mga ugat kung bakit paulit ulit tayong bumabalik sa same cycle ng kasakiman at panlilinlang.
Nakakakilabot yung ending. Parang paalala na minsan, sa sobrang power drunk ng mga tao, hindi na nila alam kung gaano kadumi na yung kamay nila habang iniisip pa rin na tama ang ginagawa nila. May post credit scene pa kaya stay till the end. Craving for more!
Thematical summary: Blind loyalty, utang na loob, propaganda, at political manipulation lahat nandito. We are all puppets, body and soul. This is not a firearms war, but a psychological one more on deception, lies, and moving the pieces in this giant chessboard called politics.
Kung idedescribe ang bayaniverse: Heneral Luna ay bravery, Goyo ay pathetic obedience, Quezon ay birth of Philippine politics
Gusto kong panoorin ulit yung trilogy back to back to back.